Manny Pacquiao: 'Ramdam ko ang nararamdaman ng mamamayang Pilipino'
Leading contenders for the presidency share their views on a number of issues in one-on-one interviews with "Asia's King of Talk" Boy Abunda.
During the presidential interviews, candidates answered the same questions and were given equal time to answer them.
The Philippine STAR and PhilSTAR L!fe will be carrying excerpts from the interview with Manny Pacquiao, who talked about his take on mining, how he'll address joblessness and hunger in the country, and the criticisms he received on his opposition to homosexuality.
ON MINING & THE ENVIRONMENT
Where do you stand on the issue of sustainable versus a total ban on mining? Why?
Gusto ko lamang pong i-explain sa inyo na ‘yung mining kasi, hindi naman po ipinagbabawal talaga ‘yan sa mata ng ating Panginoon.
Even before, sabi nga ng Panginoon: “I’m bringing you into a good land...a land where the rocks are iron, and you can dig copper out of the hills.” Meaning to say, that’s possible. Pero kailangan ‘wag mong sirain ang kalikasan because ang kalikasan bahagi ng ating buhay.
Hindi ako pabor sa total ban on mining. Okay naman ‘yun basta responsible. Hindi ka nakakasira ng kalikasan. Kung nakakasira ‘yan, bakit mo papayagan? Kung nakakaapekto sa komunidad na nasasakupan nun, sabi ko sa kanila, bakit mo papayagan? Alalahanin natin na ang kalikasan ay bahagi ng ating buhay. Diyan tayo galing.
ON COVID-19 AND THE PANDEMIC
Given the unpredictability and viciousness of this virus, what would be your program to combat COVID-19?
Unang-una po, kailangan na magpa-vaccinate, vaccination. Yung hindi magpapa-vaccinate, ‘wag natin pilitin.
‘Wag natin alisin sa mga hindi nagpa-vaccinate ‘yung rights nila na makapag-trabaho, makapag-hanapbuhay. Lahat tayo ay may karapatan na mag-desisyon para sa sarili natin. Iyan ‘yung gift na ibinigay sa atin ng Panginoon.
Pangalawa po ay hindi po karapat-dapat na maglockdown, magsarado, resulting sa closure ng lahat ng mga karamihan sa mga businesses dito sa atin. Mawawalan ng pagkain ang ating mga kababayan. Mawawalan ng trabaho.
And the, solution para di tayo mangutang ng pera para pang-gastos dito, kailangan palakasin ang revenue collection, pangalagaan natin, mag-ukol tayo ng sariling income ng ating gobyerno. Para in case na may mga ganyang sakuna, hindi tayo kaagad mangutang dahil walang pera.
Kung may pondo ang ating gobyerno, hindi na natin kailangan mag-lockdown. Pag may pondo ang ating gobyerno, madaling solusyunan.
Ang sinasabi ko talaga dito ay magkaroon tayo ng long-term concrete plan.
ON JOBLESSNESS
How will you deal with the urgent problems of joblessness and hunger in the country if you become President?
Ang gagawin po natin ay palalakasin po natin ang ekonomiya natin. Mag-iinvite po tayo, marami po akong kaibigan na pag ako ang naging Presidente ay mag-iinvest sila dito sa ating bansa.
Kailangan mabigyan ng trabaho ang mga milyun-milyong mga Pilipino na walang trabaho. Kasi pag may mga investors na pumasok dito, ang requirement sa pag-apply ng trabaho kailangan qualified ka.
Marami sa mga kababayan natin ang hindi graduate ng college, high school graduate lang, ‘yung iba hindi pa naka-graduate ng high school. So paano sila mabigyan ng trabaho?
Ang gagawin po ng ating gobyerno ay maglalaan ng pondo para pautangin yung mga small-medium enterprises nang walang interest.
‘Yan gagaan ang ating ekonomiya, mag-focus tayo sa PDC, o Production, Distribution and Consumption. Iyan ang laging pinag-babasehan.
Kaya talagang naglakas-loob akong tumakbo pa rin para ipaglaban ang ating bansa. Ipaglaban ang mga Pilipino dahil nakita ko kung ano ang kinabukasan ng ating bansa.
ON CORRUPTION
Talagang sasama ang loob mo dito sa corruption. Makita mo sa kulungan ang mga kawatan sa gobyerno, magsama-sama. ‘Yan ang misyon ko.
P700 billion or more pa ang napupunta sa corruption. Kaya sayang na sayang.
Alam mo, maraming strategy dyan para wala silang lusot. Pero hindi ko lang ibulgar kasi magpe-prepare ‘yan. Mga kawatan ‘yan eh. May mga strategy na ako na gagawin para ma-control ang corruption. Wala silang kawala.
ON EDUCATION
Ang gagawin natin, libreng edukasyon. Kasi kahit sabihin nating libreng edukasyon, may mga binabayaran pa rin sila. So may bayad pa rin. So yung libre talaga na makapagtapos ka sa kurso mo na wala kang gastos, gobyerno gagastos sa ‘yo kahit anong kurso. Pero mag-serbisyo sa gobyerno ng halimbawa dalawang taon, tatlong taon. After that, bibigyan ka ng permit/ certification.
ON OFW/ MIGRANTS
How will you balance the economic contribution of OFWs and the unquantifiable social cost of migration?
Tutulungan po natin ‘yan sila kasi talagang kawawa po ‘yan sila. Sila po ang talagang mga bayani natin. Sa ating bansa din nakatulong sila. Kaya ayaw kong mahiwalay sila sa kanilang mga pamilya, kasi d’yan karamihan ang naghihiwalay eh.
Ang plano ko talaga, Boy, sa bansa natin ay ang trabaho ang maghahanap sa tao, hindi ang tao ang maghahanap ng trabaho para hindi na sila pumunta pa abroad. Para ‘wag na nila iwanan ang kanilang pamilya.
Kailangan palakasin ang ekonomiya natin. Pag malakas na ang ekonomiya natin, pag halimbawa mataas na yung salary standardization sa bansa natin, maraming paraan ang pwede nating gawin basta malinis ka. Susugpuin natin ang korapsyon. Makikita mo ang pagbabago sa ating bansa.
Balik ako ng balik sa korupsyon kasi gusto kong malaman ng taong bayan na kaya nagkaganito ang ating bansa, kaya ganito ang sitwasyon ng Pilipino, sitwasyon ng ating bansa is because of corruption. Kung wala ‘yang korapsyon na ‘yan ang layo na ng narating ng bansa natin. Hindi tayo kulelat sa buong Asya.
To do this, dapat may political will ka.
ON SOCIAL MEDIA, PROLIFERATION OF PORNOGRAPHY
How will you handle the issue of cyberporn?
Papangaralan ko s’ya. Alam mo, ang mga kabataan ngayon ay hindi mo kailangan sigawan at pagalitan. Dapat kausapain. Ipaintindi na masama ‘yang ginagawa na ‘yan. Papangaralan natin.
Yung mga anak ko, hindi sila nakarining sa akin na nagalit ako. Kinakausap ko sila. Napalaki ko sila ng mababait, yung mga anak ko. Masunurin sa magulang. Mabait. Kasi kinakausap ko sila. Sasabihan ko sila na: “Hinintayin n’yo pa ba na magalit, hintayin n’yo pa ba na mamalo ako sa inyo? Ang gusto ko sumunod kayo kasi ‘yung gusto n’yo ba makabubuti sa inyo? Ako gusto ko masaya kayo. Pero kung makasama yun sa inyo, sumunod kayo sa amin.”
Isa ‘yan sa mga isinusulong natin: ang pag-sugpo ng pornography. Dapat ang gawin ng ating gobyerno, ay i-signal natin. Lahat gawin natin para hindi maabuso. Ngayon ay naaabuso pati ang mga bata nakakapanood.
ON RAPE-RELATED ABORTION
Is it time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?
I’m against abortion. Ayaw natin ng abortion. Wala namang kasalanan ‘yung bata, May healing pa naman eh. May pagbabago pa. I-counseling muna yung na-rape na hindi pa naman tapos ang lahat. Na may pag-asa pang magbago ang lahat na hindi naman mapunta agad sa abortion.
ON DRUGS
Are we already a narco country? What is your program to counter the drug problem?
Itutuloy natin ‘yang war on drugs sa bansa natin. Hindi natin papayagan na hayaan ang ilegal na droga dito sa ating bansa, kundi sugpuin natin ‘yan, kasi isa ‘yan na maging (sanhi) na ma-corrupt ang mga tao.
Ang Pilipinas ay hindi ko naman masasabing narco country. Iniimportahan ang droga eh. Pero matindi talaga. Mabuti na lang ay naging Presidente si Duterte at nabawasan ‘yung mga gustong pumasok sa pag-nenegosyo ng droga at maraming nasugpo. Pero hindi naman nasugpo lahat.
Nagkamali s’ya doon sa pahayag niya na sugpuin niya yung droga sa loob ng three to six months. Eh, ngayon ilang taon na, anim na taon na. Malaki talaga itong negosyo ng droga dito sa ating bansa. At ilan ay kasabwat ng ilan dito sa ating gobyerno.
ON PHILIPPINE DEBT
If you win as President of the Philippines, how will you tackle the payment of our national debt?
Yung utang ng Pilipinas ‘yan talaga ang pinaka concern, kasi kung hahayaan mong umutang tayo ng umutang taon-taon ay talagang sadsad tayo, babagsak talaga tayo. Walang nang kinabukasan ang buhay natin.
Ang pinaka concern ng Pilipinas ay yung income ng ating gobyerno. Revenue ang kailangan. Kailangan palakasin natin ang revenue at sugpuin yung korapsyon.
Pangalawa, tutok tayo dapat. Kung ito yung ginagastos, dapat maka-recover yung revenue income ng ating gobyerno. Pagdating ng panahon, pag tumaas ng yung revenue ng ating gobyerno, hindi na tayo mangungutang. Magbabayad tayo taon-taon sa utang natin. Yun po ang target ko talaga. ‘Yan ang misyon ko, na hindi tayo mangutang.
Ganun dapat ang ating bansa. Pero ngayon, baon tayo sa utang. Tapos tingnan mo, from P6.5 trillion, sa isang administrasyon lang, halos nadoble ang utang ng Pilipinas. Yung P6.5 trillion na utang na yun, galing pa yun sa tatlong Presidente: Erap, Arroyo, Aquino. Tapos sa isang Presidente lang, nadoble yung utang natin dahil na rin dito sa pandemya, at dahil sa pababa ng pababa ang revenue ng ating bansa.
Dapat sana sa Pilipinas, ito yung revenue income natin last year, ngayon ang target natin ito, ang target natin for another year, ito. Dapat pataas ng pataas. Pero hindi eh.
Rerendahan ko talaga. Tinatanong nga ako minsan, kung sino ang i-aappoint ko sa gabinete. Sagot ko, istrikto ako sa pag-appoint ng gabinete. Mataas ang expectations ko dahil gusto ko talaga na may ma-accomplish ako.
ON THE WEST PHILIPPINE SEA
If all diplomatic efforts fail, as President, do you think the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial soil?
Unang-una, hindi dapat tayo magpapa-bully. Kahit na maliit tayo, ipaglaban natin yung sa atin. Pangalawa, pwede naman mag-usap ang dalawang panig. Huwag tayo magpa-sindak. Ipaglaban ang atin at pag-usapan natin in the right way. Kasi pagdating sa pisikal, mas malaki sa atin ang Tsina, pero hindi tayo dapat takot.
Lagi natin ‘yung kinakanta, eh: “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo.” Kumakanta tayo ng ganyan tapos hindi natin gagawin. Di ba? Wala naman tayong kinukwestyon na kaya nating ibuwis ang buhay natin kasi ‘yung mga ancestors natin na lumipas, binuwis nila yung buhay nila para magkaroon tayo ng kalayaan, para sa ating bansa.
Importante ang pag-uusap para maresolba ang problema.
Nakausap ko ‘yung Chinese Ambassador. Ang sabi niya, wala naman daw nakikipag-usap sa kanila. Kailangan pag-usapan. At hindi raw mareresolba ang isang problema sa isang pag-uusap lamang.
ON PRESIDENTIAL QUALIFICATIONS
Is it high time to amend the Constitution on the qualifications to run for President of the country?
Talagang aamyendahan na ang Saligang Batas natin dahil hindi na ito naayon sa bagong herasyon ngayon. May mga technologies na. High-tech na. ‘Yung batas na ginawa natin, wala yung mga technology noong araw.
Pwede naman siguro ‘yung kahit na college graduate or high school graduate walang problema ayon sa batas natin.
Paano mo pinaghandaan ito?
Inalam ko kung ano ‘yung mga dapat nating gawin sa ating bansa. Yung mga problema ng ating bansa at kung paano i-solve ang mga problema sa ating bansa. Kaya ako nag-desisyon tumakbo pagka-Presidente. Nalaman ko lahat ng problema. Pagpapalakas ng ekonomiya, pagsugpo ng korapsyon.
ON PERSONAL ISSUES
Naniniwala kasi ako na gay love is equal to all forms of human love. Ano ang pananaw mo?
Naniniwala po ako sa kasabihang “love one another.” ‘Yung nararamdaman mo, I love you as my brother. I love everyone as my brothers and sisters. Ang isyu po na ‘yan ay matagal na po at nag-sorry na po ako sa mga taong na-offend ko. At higit sa lahat, mataas po ang respeto ko sa mga myembro ng LGBT. Marami po akong supporters na ganyan.
POLITICAL FAST TALK
Q: Bakit hindi dapat iboto si Mayor Isko?
A: May corruption issue.
Q: Bakit hindi dapat iboto si Senator Lacson?
A: Hindi ko alam.
Q: Bakit hindi dapat iboto si VP Leni?
A: Hindi ko alam.
Q: Bakit hindi dapat iboto si Senator Marcos?
A: May bahid ng korapsyon. May issue ng korapsyon. Alam mo naman ang korapsyon sa ating bansa, ‘yan ang dahilan kung bakit tayo naghihirap.
Q: Bakit ikaw ang dapat naming iboto?
Naranasan kong matulog sa kalye. Naranasan kong walang pagkain sa isang araw. At ramdam ko ang nararamdaman ng mamamayang Pilipino at nakita ko ang problema ng ating bansa. Dahil sa nakita ko, kaya kong solusyunan.
Q: On Duterte and the ICC’s desire to investigate crimes against humanity for the sake of the victims. Will you allow ICC?
Papayagan natin. Pero unang-una, gusto din nating respetuhin ang desisyon ng Pangulo kasi that’s his prerogative as our Chief Executive. Papayagan natin silang pumunta dito sa atin basta hindi lang ma-abuso ‘yung sovereignty natin. Para hindi maapakan yung mga kababayan natin. Na maidepensa natin ‘yung ating mga kababayan. Open silang mag-imbestiga dito sa ating bansa.